Sunday, January 4, 2026
"Ang Huling Sulat sa Pisara"
Isinulat ni Ahrby R. Estarez"Nandito na siya!"
Ang palaging hudyat ng pagsisimula
Muling babalutin ng katahimikan,
silid na mistulang palengke ang ganap.
"Siya'y kumakandirit?"
Kasabika'y dama sa kanyang paghimig
Panibagong kaba, kami'y 'di mapakali
sapagkat paparating malupit niyang quiz.
"Kontrabidang tunay!"
Kuripot sa puntos, galante sa marka.
"Excuse 'di exempted," palagi niyang wika
Kahit ilang memes pa'y ayos lang sa kanya.
Hilig niyang umidlip
upang managinip kung paanong magle-lesson.
Sa mesa'y nakadukdok at nag-iisip
kung naging matagumpay sa buong maghapon.
Iba siyang magturo
mula sa karanasan at pagkatuto.
Mabiro rin kahit seryoso't strikto
kanyang salita ay palaging may hugot.
Ikalabingwalo.
Muli, siya ay nakaidlip sa mesa.
Kami sana'y may dalang lobo't regalo
ngunit hindi na siya nakadilat pa.
Orihinal na nalathala:
https://www.facebook.com/share/p/19y9LUgUSe/
Subscribe to:
Posts (Atom)
"Ang Huling Sulat sa Pisara" Isinulat ni Ahrby R. Estarez "Nandito na siya!" Ang palaging hudyat ng pagsisimula Muling b...
-
Hardly, barely, and accordingly, I took a grail; I step back; I take one step in another rail. That tortured mind's department: not me...
-
"Ang Huling Sulat sa Pisara" Isinulat ni Ahrby R. Estarez "Nandito na siya!" Ang palaging hudyat ng pagsisimula Muling b...